Skip to main content

Mga Uri ng Kaibigan


Subject: Filipino 10 
Instructions: Kasama ang kapareha, pumili ng uri ng panitikan na tinalakay natin (tula, sanaysay, talumpati, editoryal, lathalain, etc.) at gumawa ng isang akdang naayon rito at sa temang pipiliin ninyo. I-publish ito sa isang website.
Date Created: October 25, 2017

Ang mga kaibigan ko ay parang barya..

Mayroong makinang --
Lahat ay napapalingon, puno ng kagandahan.
Ngunit oras na magsalita ito,
Walang lumalabas na kabutihan.

Mayroong magaspang --
Kita naman sa kanyang ugali't talim ng dila.
Subalit sa pag-agrabyado'y humaharang
Lahat ay gagawin ipagtanggol ka lamang.

Mayroong mataas ang halaga --
Ngunit ito ay dahil sa impluwensiya niya.
Minsan, dahil sa pagiging tunay na kaibigan,
O dahil siya'y lapitin kapag kagipitan.

Mayroong etsapuwera --
Sentimos, o baka pati piso na.
Walang nakaiintindi, walang umiintindi.
Ngunit sa kanila pala'y 'di ka rin lugi.

Iba't ibang uri ang makasasalubong mo.
Mga baryang iba-iba ang layon sa iyo.
Ngunit iwasang itaas agad ang kilay sa bawat isa,
Kalooba't halaga ang tingnan at hindi ang itsura.

Bawat isa sa ati'y nagkaro'n ng isa sa kanila.
Para sa pangangailangan, o kanilang halaga.
Nasa sayo ang paraan ng pag-iingat,
Alamin mo ang tama, at kung ano ang dapat.

Ikaw, anong uri ng kaibigan ang mayroon ka?

Comments