Posts

Mga Uri ng Kaibigan

Subject : Filipino 10  Instructions : Kasama ang kapareha, pumili ng uri ng panitikan na tinalakay natin (tula, sanaysay, talumpati, editoryal, lathalain, etc.) at gumawa ng isang akdang naayon rito at sa temang pipiliin ninyo. I-publish ito sa isang website. Date Created : October 25, 2017 Ang mga kaibigan ko ay parang barya.. Mayroong makinang -- Lahat ay napapalingon, puno ng kagandahan. Ngunit oras na magsalita ito, Walang lumalabas na kabutihan. Mayroong magaspang -- Kita naman sa kanyang ugali't talim ng dila. Subalit sa pag-agrabyado'y humaharang Lahat ay gagawin ipagtanggol ka lamang. Mayroong mataas ang halaga -- Ngunit ito ay dahil sa impluwensiya niya. Minsan, dahil sa pagiging tunay na kaibigan, O dahil siya'y lapitin kapag kagipitan. Mayroong etsapuwera -- Sentimos, o baka pati piso na. Walang nakaiintindi, walang umiintindi. Ngunit sa kanila pala'y 'di ka rin lugi. Iba't ibang uri ang makasasalubong mo. Mga baryang...
Recent posts